02 September 2011

Muni-muni

Ikaw ito at ako. Sa may baybay. Abot-tanaw ang bughaw na karagatan, habang nakabaon ang ating mga paa sa mala asukal nitong buhangin.

Iniisip kung ano ang naging takbo ng buhay. Masaya siguro kung nagkukuwento ka, nagkukuwento ako, kung ang kuwento ay ikaw at ako. Pihong makakalimutan ko ang simoy ng hanging dagat, ang tunog ng payapang alon, ang init ng umaga sa baybay.

Pero eto tayo. Sa may baybay. Nakatitig sa kawalan. Di na nararamdaman ang pagsira ng alon sa sisdlan ng ating mga paa. Walang magawa kundi ilunod ang kalooban sa pagtaka kung paano tumakbo ang ating buhay.

0 comments: